Skip to main content

Bakit ako single?



Bakit ako single?



Araw- araw naririnig ko yang tanong na yan. Mula sa mga katrabaho, kaibigan, kapitbahay, bagong kakilala at kung sino pa. Don't get me wrong, hindi pa ako matanda. I am only 25 turning 26 . Kaya technically, kaya ko pang idefend kung bakit nga ba? On the other hand, sa pagiging babae, usually pag gantong edad, dapat "daw" required na na meron kang partner kasi ideally, by 27 magaasawa na kasi the best time daw yun para manganak. At para makapag asawa, kelangan most likely 3 years ang tanda ng relasyon ninyo bago kayo mag settle. So kung 27, dapat nung 24 ako, meron na akong kapartner. Pero wala. Bakit nga ba? Kelangan nga ba?


I am single for almost 3 years. My last relationship was last 2014. Sa kung anumang dahilan bakit kami naghiwalay, nakalimutan ko na rin haha. Kidding aside, sabi nila, bakit daw ang tagal na. Pihikan daw ba ako, mapili ba, ano bang gusto ko sa lalaki, mataas daw ba standards ko. Ang dami nilang tanong haha.  

Nakakapressure, oo. Pero madalas hindi naman. Sa totoo lang, sa ngayon, wala naman talaga nanliligaw sa akin. Siguro kasi wala rin ako outlet para maexpose sa mga kaedad ko at sa mga single men out there. Aside from that, hindi ako ligawin. Hindi ako mestiza, napapusyaw lang ng gluta ang balat ko, pero hindi  ako yung tipong mapapasecond look ka. Yung mga nagkagusto sa akin, madalas nagustuhan nila ako after knowing me much better.

I was 20 when I was blessed with a good job. I was 20 when I started handling a managerial position. Gusto ko yun eh. Dun ako napupush, sa mga challenging tasks. Dun kasi napupunan yung self-esteem ko. Kaya sabi ng mga katrabaho ko, strong ang personalidad ko. I am young and I have to be strong, kasi ang mga empleyado ko, usually mas matanda sa akin. Kung hindi ako magiging matapang, lalamunin nila ako. Pero sa trabaho, syempre bata ka, may mga kaedad ka, at syempre nandun ka pa rin sa stage na nagkakacrush ka at eventually nangagarap na "baka naman", baka naman nandito sa trabaho ang future partner  ko. Kaya lang manager ako eh. Yun yun. Manager ako, kaya laging may wall. Kailangan isipin ko pa rin kung paano aarte ng tama. Pero minsan, syempre babae lang ako, hidni maiiwasan na kahit papaano naaattract ka at naattract din sayo yung empleyado mo. Pero ang ending, madalas, ganto "nandito ka sa itaas, nandito lang ako sa baba" ,  "manager ka, eto lang ako" Yan ang mga linya sa akin, kaya ayun nauudlot. Naiintindihan ko sila, lalaki sila, may mga ego na matatapakan at maraming mga bagay na dapat iconsider. Kaya dun ko talaga napatunayan, na "ang true love para sa matatapang lang ".

Puro kami babae sa pamilya. Ako ang bunso. Yung mga ate ko, malalaki ang age gap sa akin. Kaya nakita ko sila kung paano sila nagkaboyfriend, nagkaasawa, kung paano nila ihandle ang mga stress sa buhay may relasyon at may asawa. Kapag nakikita ko sila, lagi kong naiisip, "ok na ako sa gantong pagiging dalaga", hahaha ang stressful pala. Spoiled brat ako. My parents spoil me a lot. Lagi sa akin nireremind ng nanay ko na "masarap ang buhay dalaga". Maniniwala ba ako sa kanila? One of my sisters  is 36 years-old, no boyfriend since birth. Masaya naman siya, susundan ko ba ang yapak niya?


Maraming mga reto-reto, pakilala, tukso-tukso at kung ano pa. Yung mga katrabaho ko iniisipan ako ng mga taong pwedeng ipartner sa akin. May mga tao pa akong lagi akong nireremind " ma'am basta ha, magaasawa ka" hahaha.

Maraming factors kung bakit; hindi ako ligawin, mahirap maligawan kapag may hawak kang posisyon, lagi kong iniisip ang sasabihin ng pamilya ko , lagi rin akong nagbebase sa mga scenarios sa paligid ko at kung anu-ano pa. Oo, alam ko nasa akin din naman ang problema.

Pero to tell you honestly. Ako mismo, I am not in a hurry. Siguro kasi kung gusto ko talaga, noon ko pa pinagdasal. Dumating ako sa point na masaya akong wala muna. Though minsan nakakainggit pero madalas mas ok sa pakiramdam ko. Salamat kay Lord kasi ginawa niya akong masayahin at paladasal na tao. Hindi ako marunong maglaba, pero kaya ko manuod ng sine mag-isa, at kaya ko mamasyal magisa. Kaya ko ang iba't-ibang anggulo sa selfie kaya walang problema ang picture-taking kahit mag-isa ako. Salamat kay Lord. 

Sabi ko nga minsan kay Lord, "Lord sa totoo lang po, hindi ko po talaga alam kung gusto ko ng partner o hindi. Gusto ko po may kasama pagtanda pero Lord kakayanin ko bang makasama ang iisang klase ng tao na bawat utot eh titiisin ko? Parang wala sa personality ko Lord" "Lord, if I am meant to have a partner, please give me the desire to pray for it, kasi this time, gusto ko hihingin ko siya Sa' yo at hihingin nya rin ako"

To other single women there, pwede may mga factors na parehas tayo. If you have the chance, try to expose yourselves. Go out on a date. Minsan kasi tayo ang naglalayo sa mga sarili natin sa opportunities. Wag kang mag-alala gagawin ko rin yan soon hehe.

Kung gusto mo talaga mainlove at magkapartner, wag ka matakot sa mga experiences ng mga kapatid mo, o di kaya naman sa mga magulang mo. Hindi rin laging hadlang ang posisyon sa trabaho sa pag-ibig. Sadyang baka yung sa akin, dumating lang ang mga factors na yun pero malay natin, kapag may binigay na si Lord eh wala na yang mga factors factors na yan.

Minsan may nagtanong sa akin, "Paano kung tumanda ka mag-isa" Sabi ko "Ok lang, you know why? Masayahin naman akong tao, malaki naman ang Faith ko kay God" Kung dumating sa point na hindi Niya talaga ibigay, edi ok. Alam kong magiging masaya ako kasi dumating man ang lungkot kapag nakikita ko na ang mga anak ng kaibigan ko at ako wala, kaya kong magdasal kay Lord na alisin Niya yung lungkot ko at alam kong gagawin Niya yun"

Paano kung ibigay ni Lord? "Edi thank You Lord, forget na ang mga factors at mainlove kasama si God" Today is not the yet time pero it will come. Yung mga factors na meron ako ngayon, kaya doubtful ako magkapartner eh mawawala rin yan kapag ginusto ni Lord na mainlove ako ulit, God's time is the sweetest time and I'll patiently wait for it. Sister, patience is a virtue :)  



Comments

Popular posts from this blog

Smashbox Photo finish Primer versus Benefit Porefessional Primer

Smashbox Photo finish Primer versus Benefit Porefessional Primer   First of all, Happy New Year and Happy Valentine's Day... Hahaha... Yes blogging is back; it was never gone. I was just too focused with my corporate job but I am here now... and we will keep the ball rollin' So today, I will be reviewing 2 primers; Smashbox Photo Finish Primer and Benefit Porefessional Primer. It would be a comparison review. But let me define what a Primer is. Primer is a product applied on the face prior to foundation to ensure that the surface or canvass will be smooth, poreless, refined and sometimes used to prolong the staying power of the foundation; as it also can control oil. Imagine painting your wall? We use primer first before the paint right? Same thing on our face. There are difderent types of primers but today I will just focus on the 2 mentioned brands; Smashbox and Benefit. Correct me if I am wrong but I believe those brands are part of the high-e...

Review for Celeteque Hydration Facial Moisturizer

REVIEW FOR CELETEQUE HYDRATION FACIAL MOISTURIZER First of all, thanks for giving Grasya's Diary a sight. Today, I will be giving you an updated review for Celeteque Hydration Moisturizer.  I used to have oily skin, but due to some topical treatments and cleansers, I got a combination skin after. There were dry patches after weeks of using my creams so I asked my derma if I can use a moisturizer. She told me I can but I just need to put  on to dry patches in order for me not to have an oily face again. I was  confused with her statement because I know that even you have an oily skin, you must still use a moisturizer, just pick a water-based then.  So I still use it for the whole face hehe. I was using Myra-E before but I feel it's kinda heavy on my face so I tried this Celeteque Hydration Facial Moisturizer.  Again, to reiterate, can we use Moisturizer even we have oily skin? Yes. Oil is different from moisture. Sometimes our skin tends to oil-up bec...

First Impression Review for iWhite BB.Holic Everyday BB Cream

First Impression Review for iWhite BB.Holic Everyday BB Cream Happy Valentine's Day girlies. As usual, I apologize for being missing in action because I am into the corporate world again. But as promised, I won't be giving up beauty blogging.  Today I will be giving my honest review for iWhite's latest product, the BB.Holic Everyday BB Cream. I saw  this product in the group, The Make Up Revolution PH in Facebook (if you haven't join the group yet, please check it out because the latest beauty news are there) . Knowing iWhite, it was known for products that are very much affordable. I have tried their nose pack in which I was not satisfied (will be posting my updated review soon ). But though I was not satisfied with their nose pack, I still wanted to try this BB Cream because it is so affordable. So let's get it on. CHARACTERISTICS: The claims: For those who are new in the Make-up World, BB Cream is a blemish balm or beauty balm, ...