Graxie, teenager na ako, pwede na ba ako mag make-up?
Yes in all forms? Or yes with reservations? Haha
Well, yes with reservations. Kung experience ko ang pagbabasehan, I started at an early age. As in naalala ko elementary pa lang ako naging interesado na ako. Minsan patago ko pa dinadala o ginagamit sa school. May advantage at disadvantage naman ang mga yun. Disadvantage is siyempre baby pa ako, dapat hindi pa make-up pinagkakaabalahan ko. Maaga akong nagkapimples dahil din dito. Advantage naman, masasabi kong marami na akong alam sa make-up at mas nahasa talaga ako.Naalala ko 2nd year high school ako, bumili ako ng blush on ng Ever Bilena, tapos brush, then ako yata ang unang nagintroduce nun sa mga classmates ko haha. Tinry ko ang powder blush, cheek tint, clear mascara at curlash. Bata pa lang ako, mahilig ako magayos.
Kung teenager ka na at gusto mo na magmake-up, pwede naman with reservations.
Haha ibig sabihin, may mga make-up na hindi ka pa dapat gamitin. Ito muna dapat lagay mo sa kikay kit mo :
●Powder -para hindi oily. Pwedeng Johnson's na baby powder, as in mild. Pero kung gusto mo, may compact form nito. Lahat siguro dumaan dito sa compact powder na ito.
●Curlash - para kumulot onti ang pilik-mata at maging tantalizing ang eyes hehe.
●Lip and Cheek tint - para sa onting kulay sa cheeks and lips. Pero use this occassionally, bawal ito sa school.
●Clear Mascara - pwede mo ito ilagay sa pilik-mata para mas matagal ang curl. Pwede din sa kilay para hindi kalat-kalat.
●Lip Balm - for a softer lips.
Then as you age, pwede mo na dagdagan yan. Like paunti-unti, bibili ka na din ng lipstick, foundation at ano pa. Pero habang teenager ka, yan muna. You still have that baby face, ienjoy mo muna yan. Wala pa dapat masyado ienhance sa face mo. Let your skin breathe. Isa pa, wala ka pa masyado budget so stick ka muna diyan. Pero hindi hadlang ang batang edad para matuto, kaya magbasa ka ng mga blogs ko for more lessons hehe. Stay beautiful:)

Comments
Post a Comment